Home » Archives » 01. February 2012
Mga kwento ng paglalakbay sa magulo,masaya, at masalimuot na mundo

Hanapin ang sarili mong daan sa mga kwento ng iba..dito sa Tumana

Seminarista

February 1, 2012

Balik eskwela na naman ako. Ayus naman, pagkakataong makalabas sa pabrika ng posporo at maka kilala ng mga bagong tao.  Tatlong araw na libre ang tsibog, cha-a, at kape. Saan ka pa?  Ang seminar ay tungkol sa sensitibong linya ng aking ginagalawang industriya.

 

Ang gaganda ng mga topics ng seminar, malas lang talaga at hindi lahat ng inimbita upang maging resource-speakers ay magagaling sa public-speaking.  Wala akong duda na mga subject- matter-experts ang mga ito.  Ang siste, karamihan sa kanila ay hindi preparado o may sapat na kakayahan upan mag salita sa harap ng maraming tao.  Pero hindi iyon dahilan para hindi ka matuto dahil may mga hand-outs naman na pinamahagi. Nasa sipag at tiyaga na lang ng mag-aaral kung pipilitin niyang matuto o hindi.

 

Pero ang pinaka-magandang mga leksyon na napulot ko ng mga araw na iyon ay hindi galling sa mga resource-speakers. Talaga nga namang ang edukasyon ay hindi mo lamang makukuha sa pagbabasa ng mga libro. Mas marami kang kakapulutan ng aral mula sa karanasan ng mga ibang taong iyong makakasalimuha.  Isa sa mga kasama ko sa grupong iyon ay dating kawani ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.  Siya ay nag silbi sa bayan ng tatlong dekada bagyo siya lumipat sa mundo ng mga sibilyan. Nakaranas na siya ng digmaan sa Tawi-Tawi, Mindanao. Nakasama rin siya sa delegayson ng mga sundalong kumatawan sa United Nations Peace Keeping Force sa Cambodia.  Naging bahagi rin siya ng Special Warfare Group ng ating Katihang Pandagat bilang isang Fleet Commander. Ang huli niyang pwesto bago siya ay nagretiro ay ang NCR Command Force kung saan ang seguridad ng Metro Manila laban sa lahat ng klaseng banta ay kanyang pinangangalagaan.

 

Dahil ang aming takdang-aralin ay tungkol sa pagkuha ng katotohanan gamit ang“interview techniques”, hindi nag atubuli ang aming magiting na ka-grupo na  naglahad ng kanyang karanasan.  

 

Ayon kay Heneral, ang “interview techniques” ay hindi matibay na pamaraan  upang makuha ang katotohanan.  Sa kanyang karanasan, mas angkop ang “interrogation protocols” upang mapalabas ang katotohanan.  Hindi na rin epektibo ang pisikal na pasakit bilang “interrogation protocol” ( binunutan mo na ng kuko gamit ang plais pero ayaw pa ring mag salita). 

 

Ang isang epektibong “interrogation protocol” ay ang ”sleep deprivation”.  Ito ang pamamaraan na hindi mo papatulugin ang iyong “subject” hanggang bumibigay ito sa katotohanan. Sa taktikang ito,  parating may nag uusisa sa “subject” at hindi mo siya bibigyan ng pagkakataong mag pahinga.  Kapag wala namang kausap ang “subject” laging may nakaka-binging tugtog siyang maririnig.  Normal daw na pag katapos ng 48 oras ay bibigay ang iyong “subject” kung may alam siya.

 

Kung sakali naman daw na medyo gipit ka sa oras upang malaman ang katotohanan,  siguradong walang matibay na sinungaling pagdating sa “tubig”.  Sa “interrogation protocol” na ito, ang “subject” ay pipiringan upang siya ay “ma-disorient”. Mayroon ding natural “psychological fear  sa madidilim na lugar ang isang tao kaya ito ginagawa.  Ihihiga ang “subject” sa sahig, bangko, o lamesa. Tatakpan ang bibig at ilong ng “subject  ng isang basang bimpo upang mahirapan siyang huminga.  Dahan-dahan bubuhusan ng tubig ang basang bimpo upang palabasin ang “drowning sensation”.  Siguradong papasukan ang ilong ng tubig at pag suminghap ng hangin ay diretso sa baga ang hanging may kasamang tubig.  Kung may aaminin ang isang “subject”, dito raw sa pamamaraang ito nakukuha ang totoo.  Hindi ko hinuhusgahan ang pamamarran na kanyang nilahad.  Ako lang ay nakinig at nag-isip kung saan angkop gamitin and “interview techniques” kontra “interrogation protocols”. 

 

Yung sa susunod naming takdang aralin “proving fraud in court, marami rin siyang naibahagi sa amin.  Kahit ganoong kabigat ang akusasyon sa iyo, basta walang matibay na ebidensiya, mababasura lang ang kaso.  Ayon sa kanya, nasampahan na siya ng mga asuntong-kriminal ng may mga nasawi na rebelde sa isang matinding engkwentro. Lahat ng ito ay hindi binigyan ng merito ng husgado dahil sa kakulangan ng ebidensya.  Inilhahad niya na ang reklamong criminal ay isinampa pag katapos na may nasawi sa isang lehitimong operasyon ng militar. Ang operasyon ay nagdulot ng pag-bubuwis ng buhay ng mga sindikatong  sangkot sa “kidnapping” sa Mindanao. Nagtapos ang operasyon sa isang “shoot-out” sa karagatan ng Jolo.  Sa maniwala kayo o hindi, puro banyagang kagamitan ang ipinahiram sa Katihang Pandagat upang tuntunin ang mga pasaway na mga bandido.  At dahil sa mga makabagong teknolohiyang pandigma tulad ng : “drones”, “satellite phones”, at “stealth water-crafts”, ay nasugpo ang mga bandidong ito.

 

 

 

Natapos ang aming seminar na mayroon akong dalawang pananaw na natutuhan tungkol sa magulong mundo na ating ginagalawan.  Ang isang pananaw ay : ang lahat ng bagay ay makukuha sa mahinahon at ma-diplomasyang pag-uusap.  Sa kabilang dako, may pananaw na :  may pagkakataong kailangan gumamit ng “kamay na bakal” upang maisa-ayos ang isang  malalang sitwasyon.

Posted by forestdweller at 6:00 pm | permalink | Add comment