Hanapin ang sarili mong daan sa mga kwento ng iba..dito sa Tumana
Just Tiis
November 16, 2011
Alas siete y media na ng gabi. Oo, maulan, pero kanina pa naming umaga umuulan. Eh Bakit ganun? Photnamang trapik yan, talo pa bisperas ng pasko, ang lhufet!!!
Naibaba ko na ang dalawa kong pasehero. Solo flyt na ako sa biyahe pero halos dalawang oras na ako nag bibiyahe. Anak ng matabang garapata! Eh nasa Tagaytay na dapat ako sa ganitong kahabang oras na paglalakbay Pero hindi, labing 16 na kilometro lang ang tatakbuhin ko mula sa pabrika ng posporo hanggang bahay. Pakiramdam ko eh parang pumasok at umuwi na ako ng dalawang ulit!
Inilipat ko ang tala-pihitan ng radio mula sa porgramang “Boys Night Out” papunta sa AM frequency ng DZMM. Super Shit ang balita! Nag-gigirian pala ang kampo ng mga Arroyo at mga taga Bureau of Immigration sa paliparan ng NAIA. Nag pupumilit umalis ng bansa ang dating Panggulo at kanyang asawa papuntang
Okinawa-Japan!!!! Kaya naman pala nagka buhol-buhol ang trapik! Eh lahat ng tao eh nag kukumahog umuwi kasi baka mag kagulo. At nasan ang mga magigiting na taga-pagayos ng trapiko? Wala lahat. Ang laking bulsyiet talaga. Lahat ata ng mg Alagad ng Batas eh pupuntang NAIA!!
Parang nakikinig ka sa isang radio-drama. Sino ang nagwagi? Wala! Hindi naka biyahe ang dating Panggulo at ang mga alapores. Nag mukhang “TANGA” ang Kalihim ng Hustisya. Si Juan Dela Cruz, naipit sa buhol-buhol na trapik, ubos ang oras, ubos ang gasolina!
Lahat ba ng kautusan ng Kataas-taasang Hukuman ay tama?? Hindi rin noh!!! Lalo na at papayagan mong maka puga ang mga sinasabing responsable sa pinaka malaking pandaraya ng eleksyon sa huling dekada!!! Hindi mo ba man lang isa-alang-alang ang posibleng responsibilidad na maaring matakasan ng dating Panggulo pag ito ay hindi na bumalik sa bansa? Dahil ba hindi pa binabasahan ng demanda ang dating Panngulo eh walang magagawa ang gobyerno? Napaka ganda ba ng “track record” ng dating Panggulo? Eh hindi ba sabit-sabit ang Panggulo, ang kanyang Asawa, at mga kasama sa gobyerno sa lahat ng malalaking raket na naibulalas sa madlang Pilipinas?
Mukha daw kawawa ang dating Panggulo kagabi sa NAIA. Tanginangsyiet!!! Lahat po ng pag-arte eh napag-aaralan. Lalo na ang mga pulitiko na buong buhay nila ay sanay sa harap ng kamera.
Maaring may natapakang mga karapatang pang-tao kagabi. Kahit ako, aminado dun. Pero pag hustisya naman ang nakamit para sa karamihan, kahit masakit ang nangyari eh ok na yung tiniis kong trapik kagabi..
Justice maybe a slow grind here in my beloved Pilipinas. But Justice is still a biyatch and it bites real bad when it does!


