Home » Archives » 22. July 2010
Mga kwento ng paglalakbay sa magulo,masaya, at masalimuot na mundo

Hanapin ang sarili mong daan sa mga kwento ng iba..dito sa Tumana

Yosi

July 22, 2010

Patila na ang ulan, dalawa na lang kami na nag hihintay sa bus-stop sa Cubao. Ayoko ko pang sumakay dahil puno pa ang mga bus na nagdaraan.  Yong bebot na naghihintay pa rin ay medyo aligaga at panay tingin sa kanyang relos at cellphone 

“Tang-ina nya..late na naman siya” sambit ng babae. Galit na ito. Hindi lang ulan ang pinalagpas nito.  Lumapit ako ng konti at sabay tanung.. “Miss, pasensya na, baka may lighter ka?” 

Tumingin muna siya ng pa ilalam sa akin at saka sinabi… “meron naman, pero pahingi ng yosi ok?”..Tugon agad ako ng… “deal”. 

Ang lalim ng hithit ng babae at sabay sabi… “ako nga pala si Jane”…… “Noli de Leon…at your serbis ”  ang sagot ko

“Mukang na-Indian ka ng hinihintay mo? 

“Hay naku Noli, hari ng mga Indyan yang boyfren kong si Mark”…. 

“Eh ganu katagal ka na bang naghihintay?” 

“Siguro mga isang oras na rin” 

“Wala nang ulan Jane, gusto mo sabay na tayo sumakay ng bus pag tapos mag yosi?” 

“Maghintay pa ako kay Mark sandali, baka dumating na rin yon”.. 

“Di pa naman  ako nag mamadali, samahan muna kita, kung mag-ku-kwento ka tungkol sa inyo ni Mark”… 

“Ihanda mo pa baga mo, marami rami tayong yosing mauubos”… 

Ang unang pagtatagpo ni Jane si Mark ay dala na siguro ng tadhana. Sa emergency room ng Ospital ng Maynila sila unang nagkita.  Sinugod si Jane isang hapon ng Oktubre sa pagamutan ng OnM ng kanyang mga kaupisina dahil sa isang atake ng epilepsy.  Dahil nakalimutan niyang inumin ang kanyang maintenance medicine noong pananghalian, ayun, nangisay na parang hito sa buhangin si Jane. 

Duty Nurse si Mark noon at siya ang nagbigay ng paunang lunas upang di makagat ni Jane ang dila niya. Sinaksakan din ni Mark ng “intravenous water-bag” sa braso ni Jane. Kailangan ito para di madehyrdate sapagkat sobrang paglalaway habang ito ay nag-kukumbulsyon.

Noong magkamalay si Jane ay hinahanda na ni Mark and kanyang ER discharge slip.  Sinabi nito na napaka swerte niya at naitakbo siya agad kung hindi ay maaring nabagok na ang kanyang ulo.  Laking pasalamat ni Jane kay Mark at hiningi ang cellnumber nito. Para daw makabawi sa kagandahang loob ni Mark ay aayain niyang kumain ito sa labas pag maganda na ang kanyang pakiramdam. 

Makalipas ng dalawang linggo, nag text na si Jane kay Mark at doon nagsimula ang mabuting pagkakaibigan. Dumating ang isang biyernes na pareho sila ng oras ng labasan kaya’t silay kumain sa labas. 

Sa dinner pa lang, may iba nang kuryenteng nararamdaman si Jane sa mga sulyap ni Mark sa kanyang katawan.  Sexy, bilugan at maituturing na malaking bulas si Jane. Si Mark naman ay maitim, matipuno, kulot, di kagwapuhan pero malakas ang sex appeal. 

Pag-katapos ng dinner ay niyayang manood ng sine si Mark. Walang pag aalinlangan sumama si Jane. Sa loob ng kadiliman nagsimula ang kamunduhan ng dalawa. Walang usap-usap ay naghalikan ang dalawa. Sinalat agad ni Mark ang malulusog na dibdib ni Jane at pinaglaruan ang mga nagtatayuang holen ni Jane. Sa kalagitnaan ng sine ay tumayo na ang dalawa at tumulak na sa isang motel.

Nagsalo sa init ng  libog ng  katawan ang dalawa.  Lahat ng maaring gawin sa kama ay kanilang ginawa, inulit, at muling sinimulan.  Tabla ang galling ng bawat isa pag-dating sa kama.Dito na naging magkasintahan ang dalawa.

Ngunit mahirap magkaroon ng boyfriend na duty-nurse. Parating shifting. Pa-ibaiba ang day-off. Minsan pa, streyt-streyt  ang duty, meaning walang day-off. 

Siempre sa simula, lahat ng kompromiso ginagawa ni Jane at Mark para alng magtagpo ang kanilang mga skedyul.  Masarap at matindi ang mga pagtatalik nila lalo na’t pag matagal silang di nagkita. Kapwa sila sabik na parang mga uhaw na hayop kung mag-talik. Minsan, sa pinto pa lang ng kwarto, hubot-hubad na sila at nakakaraos ng hindi lumalapat ang mga likod sa kama. 

Pero sampung buwan ang nakalipas, madalang na madalang na sila magkita.  Mas madalas na hindi makasipot si Mark sa mga takdang oras ng kanilang tagpuan.  Tampuhan at sakitan ng damdamin ang madalas kinakauwian nila. 

“Ayun, ganun talaga ang buhay pag may boyfren kang nurse”…sabi ni Jane. 

“Parang nasa-abroad ang pakiramdam kasi di kayo mag katagpo-tagpo”… 

“Ang lungkot naman Jane” 

“Ok lang, ganyan talaga siguro kapalaran ko”…

“Ah eh, baka gusto mo munang kumain?” ,para kasing nakakaramdam ako ng konting libog sa kanyang katawan. 

Tumingin sa relos is Jane at sabay sabi … “Tatlong oras na,lecheng lalaki yan” … “uuwi na muna ako Noli, baka dumating na sa apartment ang mister ko!”….

Posted by forestdweller at 1:02 pm | permalink | Add comment

15

Fifteen years is fifteen years. To some, it is already a lifetime. To others, a fleeting moment. For many, a  period of time shared with family friends both in good and bad situations. 

For me, fifteen years is a basketful of stories that started with my boss. He eventually took me under his wings and became my mentor. He has been  a critical coach who would give me constructive criticism when things do get fucked-up.  However he reinforces me with pats on the back for tasks that were well executed.  Over that long journey, the friendship became our bond.

When he eventually let me go with the skills and knowledge that he so unselfishly shared, he made sure I was well grounded.

As I look back to that point in time when he hired me, I can still remember what he told me.  He basically told me to listen and learn well.  Pick up what is useful and throw away what is not. 

He stressed the value of continuing education, formally and informally. We should learn not only from our bosses but most importantly from the people who support us.

As a final after- thought,  I have learned from him how to value the principles I firmly believed in.    
 
Hail to the Chief! 

Maraming Salamat po Sir Boyie!

Posted by forestdweller at 8:03 am | permalink | Add comment