Hanapin ang sarili mong daan sa mga kwento ng iba..dito sa Tumana
SUNRISE, SUNSET
April 21, 2010Palubog na ang araw, lumalamig na ang simoy ng hangin. Hudyat na upang bumalot ang kadiliman ng gabi. Hindi naman dapat mabahala dahil may liwanag naman ng bagong buwan at maningning na mga bituin dito sa Tumana.
Tulad ng Haring-Araw na kailangan ding magpahinga, gayun din ang datihang Bantay ng Tumana. Napapanahon na, upang bigyan ng mga bagong takda at pagsubok ang mga sumisibol na Mananabas. Ito ay upang mahubog sila sa mga mas matataas na katungkulan at responsibilidad na gagamitin nila bilang mga susunod na henerasyon ng mga lider.
Lahat ng pumasok sa Tumana ay lalabas rin. Bibilang ka ng araw, lingo, buwan, o kahit na oras, ngunit darating din ang panahon mo upang ikaw ay lumisan ng Tumana. Karapat dapat na ang mga batang mananabas ay bigyan na ng mga bagong panunutunin, gabay, at kumpyansa upang maipag patuloy ang pamumuhay sa Tumana.
Natutuwa ang Bantay dahil nakikita niyang utay-utay ng tinatanggap ng mga batang mananabas ang hamon na sila ay gumanap ng mga bagong katungkulan sa Tumana. Sumisibol na ang ilan sa kanila at nararamdaman mong malapit na silang mga ganap na Bantay.
May tiwala ang Bantay sa Maykapal na hindi niya pababayaan ang mga batang mananabas ng Tumana. Napakagaan sa kalooban na madama ang kusang loob na pagtanggap ng mga bagong responsibilidad ng mga kabataan. Hindi ito magiging madali. Mararanasan rin nila ang lahat ng hirap, lungkot, at sama ng loob sa animo’y walang katapusang mga problemang dumarating sa Tumana.
Kung may ma ipapayo ang Bantay sa kanila, ito iyon: “ Mabuti pa ang taong may problema, Kasi pag wala ka ng problema, eh Patay ka Na.”
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


