Home » Archives » 23. December 2009
Mga kwento ng paglalakbay sa magulo,masaya, at masalimuot na mundo

Hanapin ang sarili mong daan sa mga kwento ng iba..dito sa Tumana

Another Tragedy

December 23, 2009

Got a text from Stat Unit.

Pia’s dad got shot 2 hours ago ago and is reportedly in critical condition.

Wow, what a year-ender. This morning we just said good-bye to our officemate,  who at 26 years old died of a rare degenerative disease known as teratoma.

Pia’s dad is ex-military. Retired and residing in Bgy Bolboc,Lipa City, Batangas.

Poor Pia, when we texted her where she was, she was caught in Traffic in Makati about to enter the SLEX. Her sister just called the office to inform her that her dad succumbed to the gun-shot wounds in the ambush earlier. She still doesn’t know her dad is already a resident of heaven while she quietly travels the long roads to Batangas.

We all pray for her dad and the safety of the family. 

Posted by forestdweller at 7:14 pm | permalink | Add comment

MOYMOY PALABOY

Isang paglisan na naman sa Tumana ang nangyari.

Noong 19 ng Disyembre, sumakabilang buhay na si Albert Erastain. Dalawamput-Anim na taong gulang, binata, tubong Bicol.

Mas maraming maka-ka-alala kay Albert sa Tumana noong gayahin niya si “Moymoy Palaboy”noong Christmas Party Y2008.  Siya ang nag panalo ng kampyonato sa kanilang grupo sa unang pagkakataon.

Masasabi mong mahal na mahal si Albert ng kanyang mga ka-opisina at mga malalapit na kaibigan. Isa siyang natural na komikero. Mahirit, maloko, at mabait.

Noong burol ko lang naka huntahan ang kanyang sintang-irog na si Weng. Di mapigil ni Weng ang pagluha habang isinasalaysay niya sa akin ang mahigit na apat na taon nilang pagiging mag kasintahan.  Ang daming kuwento ni Weng na nag sasalarawan ng isang tao na buhay-na-buhay.

Subalit matapos ang kulang-kulang na walong buwan na pakikibaka sa sakit na cancer, dahan-dahan ding humina ang katawan ni Albert.  Noong Setyembre, habang nag ki-chemo therapy sa Medical City, napanood niya ang hagupit ng bagyo na kumitil sa daang-daang katao.  Nasabi niya kay Weng “”bakit ganun hon, sila, isang ulan kinuha na ni Lord, ako eto pa rin, ayaw pang tigilan eh hirap na rin ako”. Sa puntong iyon na isip ni Weng na handa ng mamatay si Albert.

Namayapa si Albert 4 na oras matapos ang Christmas Party sa Tumana kung saan hindi na siya nakasama. Pinatapos lang niya kami mag salo-salo at makapag palitan ng regalo bago siya sumama sa Dakilang May Lumikha.

Paalam na Albert, aka MoyMoy! Kaming mga taga-hanga mo ay naniniwala na nasa mabuti ka ng mga kamay kung saan di kana makakaramdam ng sakit.

Posted by forestdweller at 6:36 pm | permalink | Add comment