Hanapin ang sarili mong daan sa mga kwento ng iba..dito sa Tumana
Tagak,Pagong at Bato-bato
November 6, 2009Dumalaw ang Bantay ng Tumana sa isang probinsiya noong isang linggo.
Kakaraan lang ng bagyong “Tino” sa katimugang tagalog at malupit na naman ang hagupit sa mga tao at kanilang ari-arian.
Dito sa probinsyang ito, di pa nakitang tumaas ang Tubig ng sapa ng mahigit sa tuhod. Dumadaloy ang tubig pababa ng lambak para lumabas sa lawa ng Laguna.
Ang taas ng tubig sa sapa ay halos bewang na ang taas! Ang mga kawawang tao sa lambak ay halos labing dalawang piye ang taas. Di magkamalaw sa pag lisan ng biglang bumaha na akala mo ay katapusan na ng mundo.
Habang namimintana ang Bantay sa may kusina ng bahay, 3 animal ang dumaan sa gilid ng sapa. Isang pagong na mukang bato sa kapal ng putik sa kanyang likuran. Isang tagak na halos di na maka-lipad sa sobrang payat dahil wala ng isda sa sapa. Isang itim na bato-bato na nangininain sa mga basurang napadpad sa gilid ng sapa.
Sobrang abuso na talaga tayo sa kalikasan . Sinira na natin ang mga bundok kung saan maraming ibong namumugad. Sira na rin ang ang mga patubigan na nagiging dambuhala na sa laki pag umuulan. Nawawala na tuloy ang mga isda sa sapa. Kawawang mga pagong na natatabunan na ng putik pag rumaragasa ang tubig galing bundok.
Tumayo ang Bantay at kinuha ang riple nya. It’s silent-trigger time, sayang naman ang mga ibong prey, ka-kalat-kalat lang!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


