Hanapin ang sarili mong daan sa mga kwento ng iba..dito sa Tumana
Tagak,Pagong at Bato-bato
November 6, 2009Dumalaw ang Bantay ng Tumana sa isang probinsiya noong isang linggo.
Kakaraan lang ng bagyong “Tino” sa katimugang tagalog at malupit na naman ang hagupit sa mga tao at kanilang ari-arian.
Dito sa probinsyang ito, di pa nakitang tumaas ang Tubig ng sapa ng mahigit sa tuhod. Dumadaloy ang tubig pababa ng lambak para lumabas sa lawa ng Laguna.
Ang taas ng tubig sa sapa ay halos bewang na ang taas! Ang mga kawawang tao sa lambak ay halos labing dalawang piye ang taas. Di magkamalaw sa pag lisan ng biglang bumaha na akala mo ay katapusan na ng mundo.
Habang namimintana ang Bantay sa may kusina ng bahay, 3 animal ang dumaan sa gilid ng sapa. Isang pagong na mukang bato sa kapal ng putik sa kanyang likuran. Isang tagak na halos di na maka-lipad sa sobrang payat dahil wala ng isda sa sapa. Isang itim na bato-bato na nangininain sa mga basurang napadpad sa gilid ng sapa.
Sobrang abuso na talaga tayo sa kalikasan . Sinira na natin ang mga bundok kung saan maraming ibong namumugad. Sira na rin ang ang mga patubigan na nagiging dambuhala na sa laki pag umuulan. Nawawala na tuloy ang mga isda sa sapa. Kawawang mga pagong na natatabunan na ng putik pag rumaragasa ang tubig galing bundok.
Tumayo ang Bantay at kinuha ang riple nya. It’s silent-trigger time, sayang naman ang mga ibong prey, ka-kalat-kalat lang!
BABY ANGELA
October 30,2009
We pray for the soul of Baby Angela who joined the Creator, after briefly staying with us for 36 days.
We believe she is in a much better place, where no more pain can reach her.
We believe she is now watching us from above, just like the Angel that God has sent to each one of us when we were children too.
We believe she will be reunited with her loving parents, her brother Raf and sister Stef, when we are all called back to the kingdom of God on the last day.
FAREWELL MY FRIEND
Makalipas ang mahigit ang isang dekada ng magandang pagsasamahan ng barkada, isa na naman ang kelangan ma-ma-alam palabas ng Tumana.
Kung magbabalik tanaw ang Bantay sa mga taong nakalipas, halo-halong storya at karanasan ang di mabibilang na namagitan sa mga mabubuting magkakaibigan dito sa Tumana.
Naging mabuting kaibigan, mabait na ina, madiskarteng manggagawa ang espesyal na taong ito. Labing walong taon siyang mataimtim na naging haligi ng Tumana. Pero katulad ng panahon, kailangan din niyang lumisan para sa kanyang pamilya.
Paaalam na, kaibigang tunay. Iwanan ka namin ng isang baon na dasal : “Panginoon Ko, ipagkaloob mo sa kanya ang liwanag ng isip, lakas ng loob, at tibay ng pananampalataya sa Iyo. Patnubayan Niyo po ang kanyang mga yabag at bigyan Mo po siya ng magandang kalusugan at mahabang buhay upang maitaguyod ang kanyang pamilya. Ina-alay namin ito sa Pangalan NIyong, Dakilang May Kapal.Amen”


