Home » Post Item » Aso’t Pusa - tulad natin
Mga kwento ng paglalakbay sa magulo,masaya, at masalimuot na mundo

Hanapin ang sarili mong daan sa mga kwento ng iba..dito sa Tumana

Aso’t Pusa - tulad natin

July 9, 2009

Ang buhay nga naman, parang mga aso’t pusa!  Mortal na mag-ka-away kung minsan, pero lintik mag mahalan kadalasan.  Baket kamo? O eto kwento ng isang lalaki - DOG, at isang babae - CAT.

Umpisahan ko sa Pusa, kuting, o cat. Grabe, ang taray, sexy at matalino. Ang tapang at daring nitong bebot na ito. Sa tindig pa lang alam mo na go-getter, self-starter, at di umaaayawI!!!!! Hinahangaan ng mga kalalakihan, kina-iinggitan ng mga kapwa pusa niya.  Isa siyang bossing sa tumana ng mundo ng mga empleyado.  

Eto naman c DOG. Nako po, asal aso, UNLI (ang libog)..lahat ng butas inaamoy. Lahat ng poste, papatulan. Lahat ng gulong, didilaan.  Matapang, mabangis, talagang ASKAL na pinoy.  Ang aso naman ay isang empleyado sa tumanang pinaghaharian ng Pusa.

Sa mundong kanilang ginagalawan, natural na sila ay mag-away, mag-debate, mag-talo.  Halos araw-araw na ginawa ng Panginoong Maykapal, nakikita silang mag katunggali.

Ngunit baket ngayon, wala ng bangis ang ASO? Ang PUSA wala na rin singhal sa kanyang mga labi? Di ko mapaliwanag pero ang Pusa, nagustuhan ang Aso?  Nakakatuwa silang tingnan. Opposites really attract, and oh boy, they really attract super-attention.  Hay naku, chalk up 3 points for the cupid-guy, this match is one for the books.  

But not all great romances have a happy ending. It is certainly a blessing if they stay friends. Aaminin ko, na-awa din ako. Bakit???

Ang ASO, may pakakasalang tuta sa abroad.  Ang PUSA may persian cat na naghihintay sa bahay gabi-gabi.  Guys and gals, perfect match, pero not so perfect timing.  Kaya kayo, yngat sa mga ina-away niyo. Baka maging aso’t pusa rin ang kwento nyo sa akin.  Di ako magtataka kung ikaw ang makasalubong ko habang kinakanta ang piyesa ni Barry Manilow…”we had the right love at the wrong time”‘….arf..arf…arf..meow..meow..meow 

Posted by forestdweller at 2:36 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment