Home » Archives » 09. July 2009
Mga kwento ng paglalakbay sa magulo,masaya, at masalimuot na mundo

Hanapin ang sarili mong daan sa mga kwento ng iba..dito sa Tumana

Aso’t Pusa - tulad natin

July 9, 2009

Ang buhay nga naman, parang mga aso’t pusa!  Mortal na mag-ka-away kung minsan, pero lintik mag mahalan kadalasan.  Baket kamo? O eto kwento ng isang lalaki - DOG, at isang babae - CAT.

Umpisahan ko sa Pusa, kuting, o cat. Grabe, ang taray, sexy at matalino. Ang tapang at daring nitong bebot na ito. Sa tindig pa lang alam mo na go-getter, self-starter, at di umaaayawI!!!!! Hinahangaan ng mga kalalakihan, kina-iinggitan ng mga kapwa pusa niya.  Isa siyang bossing sa tumana ng mundo ng mga empleyado.  

Eto naman c DOG. Nako po, asal aso, UNLI (ang libog)..lahat ng butas inaamoy. Lahat ng poste, papatulan. Lahat ng gulong, didilaan.  Matapang, mabangis, talagang ASKAL na pinoy.  Ang aso naman ay isang empleyado sa tumanang pinaghaharian ng Pusa.

Sa mundong kanilang ginagalawan, natural na sila ay mag-away, mag-debate, mag-talo.  Halos araw-araw na ginawa ng Panginoong Maykapal, nakikita silang mag katunggali.

Ngunit baket ngayon, wala ng bangis ang ASO? Ang PUSA wala na rin singhal sa kanyang mga labi? Di ko mapaliwanag pero ang Pusa, nagustuhan ang Aso?  Nakakatuwa silang tingnan. Opposites really attract, and oh boy, they really attract super-attention.  Hay naku, chalk up 3 points for the cupid-guy, this match is one for the books.  

But not all great romances have a happy ending. It is certainly a blessing if they stay friends. Aaminin ko, na-awa din ako. Bakit???

Ang ASO, may pakakasalang tuta sa abroad.  Ang PUSA may persian cat na naghihintay sa bahay gabi-gabi.  Guys and gals, perfect match, pero not so perfect timing.  Kaya kayo, yngat sa mga ina-away niyo. Baka maging aso’t pusa rin ang kwento nyo sa akin.  Di ako magtataka kung ikaw ang makasalubong ko habang kinakanta ang piyesa ni Barry Manilow…”we had the right love at the wrong time”‘….arf..arf…arf..meow..meow..meow 

Posted by forestdweller at 2:36 pm | permalink | Add comment

C-5 everyday blues

Son las singko y media….puga na sa trabajo…may mga mag kakaibigan saba-sabay umuuwi.  May serbis sila, ang tawag ay SkoolBus…pag nagkakalokohan..bangbus ang tawag nila.   masaya sa skool bus, may tawanan, sigawan, rebelasyon, awayan, komentaryo, panlalait sa mga kapwa motorista at pedestrians. di lalakad ang skoolbus pag wala ang paboritong istasyon sa radyo…lagi silang nakikinig sa boyz nyt out program..sus ang haharot ng mga DJ sa time-slut na ito..lahat may double-meaning! biyaheng south ang skoolbus galing pasig.. sa kahabaan ng c-5 ang daan.  Kay dami na naming nakita at na experience dito.  may uwi kami na halos .30 minutos lang ay nakalabas na kami sa kahabaan ng kalsada..meyrun din namang maaiinis ka sa gapang na usad.  di mo maintindihan ang nangangasiwa ng c-5.  pag maayos ang kalsada, kelangan bakbakin para kumita. pag walang problema ang mga stoplight, kelangan mag tayo ng fly-over para patayin ang stop light.  ang saya-saya di ba.  Itong mga pahirapang biyahe sa skoolbus sila nag karoon ng kaniya-kaniyang alias.   may apat na regular na pasahero ang skoolbus. kung minsan hanggang pito silang pasahero.  ang tsuper ay si bigote na may tagline na “DAPA’. Bakit dapa? eh kasi tuwing may asungot na kagitgitan sa daan, iyan ang isinisigaw niya sa loob ng bus, hudyat na gusto ng barilin ang mga sanggano sa kalsada.  ang pinaka ate ay si gigi, tagline - GAGI..pina sosyal na o-gag. bukang bibig niya ito pag may a-anga-anga sa kalsada na ibig mag patiwakal…GAGI din ang tawag niya kay bigote pag na iinis na siya sa pambubuska ng una.  ang pinaka-pino ay si choks, tag-line - POKPOK…lahat ng babae na hindi niya kasing sexy ay tinatawag niyang POKPOK…eh kahit na lalaki, POKPOK din ang expresyon niya basta maiinit ang ulo…lakas nito sa tsuper, pag sinabi niyang para, POKPOK, tigil ang skoolbus.  ang huling regular na pasahero ay si bunso - tagline - FAK SYIET….disinueve anos, mahusay ang katawan pero may tamang UNLI..(ang libog)…ang saya nila mag-talo sa skoolbus, kadalasan, sa mga walang ka kwenta-kwentang bagay lang.  pero wag ka, nakakarating naman sila  sa paparoonan ng matiwasay sa huling dalawang taong magkakasama sa C-5 skoolbus

Posted by forestdweller at 10:30 am | permalink | Add comment

Ano ba ang Trip mo?

Maayong buntag..maayong gabi…magandang araw..magandang umaga..magandang gabi..good day to all of you…This blog is a series of journeys, told and retold to all the patient ears of anyone who is willing to listen.  Always keep an open mind. Not all the stories are black and white.  More often than not, they come in shades of grey. 

Whatever path you took, whatever journey you may have taken, i will tell it for the world to know.  Maybe we could learn something, maybe we wont, buy hey, it may still make an interesting tale. 

Pedeng present or past ang storya dito…pedeng me halong bola or exxag…lahat naman tayo pag nagkwento may nadadagdag o nababawas. Sa aking tumana, walang bawal na storya. Pasok ka lang at mag-basa.  

Posted by forestdweller at 9:35 am | permalink | Add comment